Paano Ginagamit Ng Tama Ang EQ

How To Use The EQ
EQ Knob

Ang equalizer ay isang mahalagang tool sa pwedeng makapag pabago sa ating mix, una, ang pagpapalinaw ng mahahalagang elemento, pangalawa, ang paglalagay ng space o depth ng bawat elemento at ang pangatlo at ang pinaka mahalaga, ito ay nagagamit bilang isang special tool para ayusin ang mga problematic frequencies tulad ng masking at iba pa.

Lalong napaka halaga ng EQ sa tunog ng budgeted home recording setup na nabibili natin sa Lazada, at ang EQ ang ating tanging tool upang maidikit ang tunog ng ating mix sa mga mix na gumamit ng mamahaling recording studio standard microphone.

How To Use The EQ?

Kadalasang ang tunog ng budget microphone ay nagkukulang sa low end na nag reresulta sa ating pandinig ng magaan at manipis na kung minsan ay edgy at harsh na tunog, ang lahat ng iyan ay maaayos sa placement ng mic bago mag recording o sa pag-pihit boost man o cut sa tamang frequencies after recording.

Sa ating mga kapatid na newbie aspiring mixers na nagtatanong kung paano ang tamang pag gamit ng EQ sa vocal, ito po ay pina simple lamang para mas mapadali sa inyo na maintindihan. Sa ating video ay ipapakita ang isang halimbawa ng tamang pag boost and cut at tamang pag compensate ng EQ sa ating sound output.

Abangan po natin ang iba pang video series para sa iba pang pamamaraan kung paano pa ang ibang pamamaraan ng pag gamit ng EQ .

Ako ay nagpapasalamat sa mga sumusunod na youtuber at nagamit ko ang konting bahagi ng kanilang video upang maging example sa tutorial na ito, and also thank’s to Angels In Amplifiers Band who owns the stem. Maraming Salamat PO!

Ms. Raphiel Shannon: https://youtu.be/q1n89ANBNw4

Mr. Gary Valenciano: https://youtu.be/nplLLEwBIeg

Angels in Amplifiers: http://visionproductionsgt.bandcamp.com/album/angels-in-amplifiers-usa

Get Your FREE eBook

Subscribe

* indicates required

We hate SPAM and we promise to keep your information safe!